The Campus PressElementary Journalism Training

Biyernes, Nobyembre 20, 2026 · Filipino · Gawain 06

Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita

45 minutoUlo: hanggang 60 karakterNakaraang edisyon

Fact sheet

Remate Online

4 Korean national arestado sa scam hub sa Cavite

Kalaboso ang sinapit ng apat na dayuhan makaraang makuhanan ng iba’t ibang kagamitang pang-komunikasyon at dalawang sasakyan sa isinagawang operasyon ng pulisya laban sa hinihinalang cyber-enabled scam operation sa Silang, Cavite.

Sa report na nakalap mula sa pulisya, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Silang Police, Police Intelligence Unit ng Cavite Police Provincial Office, at Bureau of Immigration (BI) Region 4A ang Apple Mango resort sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan 1 ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga suspek na kapwa mga Korean national na sina Sang Oh, Hyeong Jun Park, Jung Ho Kim, at Lee Sang Ouk.

Napag-alaman na nag-ugat ang operasyon kaugny sa natanggap na impormasyon na ginagamit umano ang nasabing resort bilang sentro ng scam at phishing activities.

Base sa pulisya, bandang alas-8:00 ng gabi nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad at nakipag-ugnayan sa BI bago isinagawa ang pagsalakay.

Narekober mula sa lugar ang walong computer monitor, apat na central processing unit (CPU), walong cellular phone, dalawang safety vault, at dalawang sasakyan—isang Kia Carnival at isang isang Hyundai Creta.

Sasailalim ang mga nakumpiskang kagamitan sa masusing pagsusuri at dokumentasyon upang matukoy ang kaugnayan nito sa ilegal na operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Silang Municipal Police Station ang mga suspek at ang mga nakunpiskang mha ebidensya habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998), Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), mga batas sa imigrasyon, at iba pang lokal na ordinansa.

Sa report na nakalap mula sa pulisya, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Silang Police, Police Intelligence Unit ng Cavite Police […] The post 4 Korean national arestado sa scam hub sa Cavite first appeared on Remate Online .

MARGIE BAUTISTA The post 4 Korean national arestado sa scam hub sa Cavite first appeared on Remate Online .

84841998101752012
Nailathala: Nobyembre 25, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Markahan ang walong mali sa kopya gamit ang mga simbolo ng pagwawasto. Pagkatapos, sumulat ng pinakamainam na ulo ng balita (huwag lumampas sa 60 karakter).

Ulo: hanggang 60 karakter45 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito

Kopyang may walong mali

I-tap ang salitang may mali, pagkatapos ang simbolo. I-tap muli ang parehong simbolo upang tanggalin.

Marka: 0

Karakter: 0 / 60Walang tuldok sa dulo

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.