The Campus PressElementary Journalism Training

Lunes, Nobyembre 23, 2026 · Filipino · Gawain 02

Pagsulat ng Editoryal

60 minutoSalita: 200–300Nakaraang edisyon

Fact sheet

Abante

Nikki Coseteng inalala pagtatatag sa PBA

Ibinahagi ni Nikki Coseteng kung paano nag-udyok sa pagtatatag ng PBA ang mga hamon at pinsala ng mga manlalaro sa MICAA at pambansang koponan.

HINDI makakalimutan ni dating Senador Nikki Coseteng ang mga hamong kinaharap ng mga Pilipinong manlalaro ng basketball na tinawag para sa pambansang koponan ang nagsilbing inspirasyon sa pagtatatag ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ay ayon kay Coseteng, dating may-ari ng koponan sa PBA, na ang ama na si Emerson ay kabilang sa mga nagtatag ng liga.

Sa isang panayam sa programang The Spokes ng Bilyonaryo News Channel, ipinaliwanag ni Nikki na isinulong ng kanyang ama at iba pang mga pioneer sa basketball ang pagtatatag ng isang propesyunal na liga.

Ginawa nila ito matapos masaksihan kung paano paulit-ulit na nawawalan ng mga manlalaro ang mga amateur na koponan dahil sa mga obligasyon sa pambansang koponan sa ilalim ng dating sistemang MICAA.

Ayon sa kanyang paggunita, ang problema ay madalas na bumabalik ang mga manlalaro sa kani-kanilang mga club na may mga pinsalang natamo habang kinakatawan ang bansa.

Dahil dito, nagiging limitado ang mga opsiyon ng kanilang mga koponan sa pagpapatuloy ng kumpetisyon sa MICAA.

“Because we were in amateur sports, MICAA.

It was MICAA at that time.

So we had to give up our players to play for the national team,” kuwento ni Coseteng.

“And so when they returned the players back to us to participate in the actual MICAA League, they would have a broken knee, broken leg, broken ankles or sprained ankles,”dagdag niya.

Ang pananaw ng kanyang ama ay dapat magkaroon ng magkaibang landas ang mga manlalaro ng basketball batay sa kanilang mga hangarin sa karera – ang mga nais kumatawan sa bansa ay maaaring manatili sa amateur sports, habang ang mga nais gawing propesyon ang paglalaro ay dapat magkaroon ng sarili nilang liga.

“He says, wait a minute, those who want to play for love of God and country, you go to amateur sports.

Those who want to play professionally, so it is now a profession, then you have to have a professional team so that you open the ceiling,” paggunita ni Nikki.

Ipinaliwanag niya na ang pagtatatag ng isang propesyunal na liga ay magbibigay-daan sa mga manlalaro na magkaroon ng mas mahabang karera at kumita mula sa kanilang talento sa basketball, sa halip na malimitahan ng sistemang amateur.

Nailathala: Nobyembre 23, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Sumulat ng maikling editoryal tungkol sa isyung ito. Ang unang talata ay dapat may news peg at malinaw na paninindigan. Suportahan ito ng dalawa o tatlong dahilan mula sa mga datos sa fact sheet. Tapusin ng panawagan sa aksyon. Bigyan ito ng malakas na pamagat. Paksa: “Nikki Coseteng inalala pagtatatag sa PBA”.

Salita: 200–30060 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito
Salita: 0 / 300Pinakamababa: 200

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.