The Campus PressElementary Journalism Training

Miyerkules, Nobyembre 18, 2026 · Filipino · Gawain 05

Pagsulat ng Lathalain

60 minutoSalita: 200–350Nakaraang edisyon

Fact sheet

Remate Online

Kapos sa GMRC teachers, pinasisilip ng Kamara matapos school violence

Nasa 8,377 lamang ang specialized teachers para sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa humigit-kumulang 45,000 paaralan sa bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Inilahad ni Education Undersecretary Wilfredo Cabral ang datos sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture nitong Lunes, Nobyembre 23, kaugnay ng implementasyon ng Republic Act No. 11476 o GMRC and Values Education Act.

Ayon kay Cabral, katumbas lamang ng 1.12 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga guro sa bansa ang mga specialized teacher sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Values Education.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Pasig City Rep. Roman Romulo, chairman ng komite, ang kakulangan sa mga naturang guro sa kabila ng anim na taong implementasyon ng batas.

Binigyang-diin ni Romulo ang kahalagahan ng GMRC sa paghubog ng asal at pagkatao ng mga mag-aaral, lalo na kasunod ng mga insidente ng pamamaril at pananaksak sa ilang paaralan ngayong taon.

Ayon sa mambabatas, hindi sapat na anti-bullying programs lamang ang pagtuunan ng pansin dahil mahalaga rin ang maayos na pagtuturo ng values education upang mahubog ang disiplina at paggalang ng mga kabataan.

Sa ilalim ng RA 11476 na nilagdaan noong Hunyo 25, 2020, itinakdang hiwalay na asignatura ang GMRC mula Grades 1 hanggang 6 at Values Education mula Grades 7 hanggang 10.

Isinasama rin ang values education sa kindergarten at senior high school curriculum.

Inatasan ni Romulo ang DepEd na magsumite ng ulat tungkol sa mga hakbang na ginagawa nito upang matugunan ang kakulangan sa specialized teachers.

Iminungkahi rin niyang makipag-ugnayan ang ahensya sa Commission on Higher Education (CHED) upang madagdagan ang mga gurong may angkop na espesyalisasyon.

Para naman kay Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi, dapat palakasin ang koordinasyon ng mga Schools Division Office sa mga lokal na kolehiyo at unibersidad upang matiyak na may sapat na bilang ng mga gurong sinanay sa mga asignaturang kailangan ng mga paaralan.

Sa ilalim din ng RA 11476, inaatasan ang DepEd na magsagawa ng taunang pagsusuri sa implementasyon ng GMRC at Values Education at magsumite ng ulat sa Kongreso.

Inilahad ni Education Undersecretary Wilfredo Cabral ang datos sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture nitong Lunes, Nobyembre 23, kaugnay […] The post Kapos sa GMRC teachers, pinasisilip ng Kamara matapos school violence first appeared on Remate Online .

8,37745,000114761.12
Nailathala: Nobyembre 24, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Sumulat ng maikling lathalain tungkol sa mga tao sa likod ng balitang ito. Simulan sa isang eksena, tanong, o sandali ng isang tao. Gumamit ng datos mula sa fact sheet, magdagdag ng paglalarawang dumadama sa pandama, at tapusin ng linyang mag-iiwan ng pag-iisip. Kaakit-akit ang dapat na pamagat. Paksa: “Kapos sa GMRC teachers, pinasisilip ng Kamara matapos school violence”.

Salita: 200–35060 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito
Salita: 0 / 350Pinakamababa: 200

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.