The Campus PressElementary Journalism Training

Huwebes, Nobyembre 19, 2026 · Filipino · Gawain 05

Pagsulat ng Lathalain

60 minutoSalita: 200–350Nakaraang edisyon

Fact sheet

Remate Online

Senado, sinimulan na deliberasyon sa ₱7.2-T 2027 budget

Nagsimula na ang Senado sa plenary deliberations sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027.

Kasabay rin nito ang pagkakabunyag na 3,132 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang na-flag dahil sa kulang na dokumentasyon.

Inilahad ni Senate Finance Committee Chairperson JV Ejercito ang naturang bilang sa kanyang sponsorship speech nitong Lunes, Nobyembre 23, sa pagsisimula ng talakayan sa House Bill No. 10858 o General Appropriations Bill.

Ayon kay Ejercito, natukoy ng kanyang tanggapan ang 3,132 DPWH projects na hindi nakapagsumite ng kumpletong documentary requirements na kailangan upang bigyang-katwiran ang kanilang pagpopondo.

Kasunod nito, inirekomenda ng Senate Finance Committee ang pagtanggal sa tinatayang ₱97 bilyong halaga ng mga proyekto ng DPWH sa panukalang budget.

Kabilang dito ang 3,132 proyektong idinagdag sa bersiyon ng Kamara, 295 proyektong mula sa National Expenditure Program na hindi rin nakasunod sa mga kinakailangan, at 36 na proyekto para sa mga gusali ng DPWH.

Binigyang-diin ni Ejercito ang pangangailangan ng mas mahigpit na pagsusuri at pakikilahok ng publiko upang matiyak na hindi masasayang ang pera ng mga nagbabayad ng buwis.

Kasama rin sa mga rekomendasyon ang karagdagang ₱1,000 sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan.

Samantala, nakatakda ring pagtuunan ng pansin ng mga senador ang mga kuwestiyonableng alokasyon sa imprastraktura, kabilang ang mga alegasyon ni Sen. Panfilo Lacson tungkol sa dobleng pondo para sa ilang flood control projects at mga multi-purpose building na umano’y hindi naipatayo sa kabila ng mga naunang alokasyon.

Inaasahang magpapatuloy ang pagsusuri at pag-amyenda ng Senado sa panukalang budget bago ito pagtibayin at iharap sa bicameral conference committee para sa paghahambing sa bersiyon ng Kamara.

Inilahad ni Senate Finance Committee Chairperson JV Ejercito ang naturang bilang sa kanyang sponsorship […] The post Senado, sinimulan na deliberasyon sa ₱7.2-T 2027 budget first appeared on Remate Online .

Sa bersiyon ng budget na inirekomenda ng komite, kabilang sa mga prayoridad ang sumusunod: -₱378.6 bilyon para sa Department of Health (DOH), kabilang ang karagdagang ₱19.8 bilyon para sa PhilHealth. -₱915.4 bilyon para sa Department of Education (DepEd), kabilang ang ₱11 bilyon para sa School-Based Feeding Program. -₱251 bilyon para sa Department of Agriculture at mga kaugnay na ahensya, kabilang ang ₱4 bilyon para sa National Rice Program. -₱253.3 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabilang ang ₱48.1 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations at ₱99 bilyon para sa 4Ps. -₱138.2 bilyon para sa State Universities and Colleges. -₱587 bilyon para sa DPWH. -₱60 bilyon para sa strategic crude oil reserve.

7.220273,13210858
Nailathala: Nobyembre 24, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Sumulat ng maikling lathalain tungkol sa mga tao sa likod ng balitang ito. Simulan sa isang eksena, tanong, o sandali ng isang tao. Gumamit ng datos mula sa fact sheet, magdagdag ng paglalarawang dumadama sa pandama, at tapusin ng linyang mag-iiwan ng pag-iisip. Kaakit-akit ang dapat na pamagat. Paksa: “Senado, sinimulan na deliberasyon sa ₱7.2-T 2027 budget”.

Salita: 200–35060 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito
Salita: 0 / 350Pinakamababa: 200

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.