Linggo, Nobyembre 22, 2026 · Filipino · Gawain 05
Pagsulat ng Lathalain
Fact sheet
Rappler[Tambay] Paasa pa rin ang depensa ni VP Sara
Nangako ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte na mayroon silang mga pasabog na testigo.
Hanggang ngayon, nganga pa rin ako.
“There are no accidents.” Ang linyang iyan ay isa sa mga paborito ng inyong friendly neighborhood tambay.
Isa ito sa mga siping sinabi ni Master Oogway, ang pawikang maéstro sa maalamát na pelikulang Kung Fu Panda.
Ang ibig sabihin ng pantas ay laging may dahilan ang báwat pangyayari, at hindi bastá-bastá nangyayari ito.
Walang aksidente o walang nagkakataon lang.
May paliwanag kaya nagkakilala kayo.
May dahilán ang pagsasalubong ng inyong landas.
Pinagtatagpo ang lahat ng pangyayari, hindi ito “good timing” lang.
Hindi ala-suwérte ang “being in the right place at the right time.” At noong Biyernes, Nobyembre 19, pumasok sa isip ng inyong tambay na, bagamá’t hindi raw sinasadya, may dahilan kung bakit may sumiklab na visual effects ng naglalagablab na apoy sa broadcast ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte .
Day 44 ng impeachment ( panoorin dito mula sa markang 56:16 minute ) , tóka ni Senator Alan Peter Cayetano ang opening prayer.
Nakapikit at nakayuko pa ang senador.
Nakatayo sa rostrum at may bukas na Bibliya sa harap niya.
Nakikita ng mga manonood na taimtim na nananalangin ang senador.
Bago matapos ang dasal, pagkasabi ni Cayetano ng “make it very, very clear whether a conviction is in order or an acquittal,” saglit na sumikláb at nabalot ang screen ng mga nanonood mula sa kaliwa pakanan ng transition effect ng lumagabláb na apoy.
Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.
Ang iyong gawain
Sumulat ng maikling lathalain tungkol sa mga tao sa likod ng balitang ito. Simulan sa isang eksena, tanong, o sandali ng isang tao. Gumamit ng datos mula sa fact sheet, magdagdag ng paglalarawang dumadama sa pandama, at tapusin ng linyang mag-iiwan ng pag-iisip. Kaakit-akit ang dapat na pamagat. Paksa: “[Tambay] Paasa pa rin ang depensa ni VP Sara”.
Iyong draft
Awtomatikong nase-save sa device na itoSusuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.