Lunes, Nobyembre 23, 2026 · Filipino · Gawain 05
Pagsulat ng Lathalain
Fact sheet
AbanteRodante Marcoleta, Mike Defensor bigo sa hirit na piyansa
Tinanggihan ng Sandiganbayan ang petition for bail nina Senador Rodante Marcoleta at Mike Defensor para sa kasong plunder.
Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division nitong Lunes, Nobyembre 23, ang petition for bail ni Senador Rodante Marcoleta at dating Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaugnay ng P75 milyong plunder case.
Kinumpirma ito ni Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma.
Ibinasura ng anti-graft court ang petition for bail ng senador at mga kapwa akusado dahil malakas umano ang ebidensiya laban sa kanila.
“In this case, the evidence of guilt against Sen. Marcoleta, Defensor, Espiritu, and Viray is strong,” ayon sa korte.
Nahaharap sa kasong plunder sina Marcoleta, Defensor, at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Ang plunder ay isang non-bailable offense.
Ang kaso ay kaugnay ng umano’y P75 milyong campaign donation na natanggap ni Marcoleta mula sa tatlo noong 2025 midterm elections, na hindi umano idineklara ng senador.
Nananatiling nakadetine ang apat sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Noong Sabado, isiniwalat ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na tinapos na nila ang presentasyon ng ebidensiya sa kasong plunder ni Marcoleta.
Ito ay matapos umanong hamunin sila ni Marcoleta sa kaso matapos na maghain ng petition for bail ang senador at mga kapwa akusado.
“‘Yung kaso ni Marcoleta, chinallenge niya ‘yung aming case, prinesent namin ‘yung ebidensiya.
Nag-rest na kami ng case,” paglalahad ni Remulla.
The post Rodante Marcoleta, Mike Defensor bigo sa hirit na piyansa first appeared on Abante .
Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.
Ang iyong gawain
Sumulat ng maikling lathalain tungkol sa mga tao sa likod ng balitang ito. Simulan sa isang eksena, tanong, o sandali ng isang tao. Gumamit ng datos mula sa fact sheet, magdagdag ng paglalarawang dumadama sa pandama, at tapusin ng linyang mag-iiwan ng pag-iisip. Kaakit-akit ang dapat na pamagat. Paksa: “Rodante Marcoleta, Mike Defensor bigo sa hirit na piyansa”.
Iyong draft
Awtomatikong nase-save sa device na itoSusuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.