The Campus PressElementary Journalism Training

Martes, Nobyembre 24, 2026 · Filipino · Gawain 05

Pagsulat ng Lathalain

60 minutoSalita: 200–350Nakaraang edisyon

Fact sheet

Abante

Online ayuda para kina lolo at lola

Ginawa nang digital ng NCSC at LandBank ang pagbabayad ng ₱10,000 at ₱100,000 cash gifts para sa mga senior citizen sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.

Magandang balita para sa ating mga senior citizen ang desisyon ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na gawing digital ang pagbabayad ng cash gifts sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (ECA).

Itong online, e-bayad system para sa ayuda ng ating mga lolo at lola sa ilalim ng ECA Law ang daan para sa mas mabilis at mas madali na pagkuha ng mga benepisyo ng mga kababayan nating mga senior citizen.

Happy naman kami dahil ang Republic Act (RA) No. 11982 o ECA ay isa sa mga batas na aking inakda para mabenepisyuhan ang ating mga kababayan na may edad na 60 pataas sa loob ng tatlong termino ng aking pagseserbisyo bilang kongresista at kinatawan ng ikalawang distrito ng aming lalawigan.

Ang bagong payment arrangement na ito ay makakatulong sa mga senior citizen para hindi na nila kailanganing magbiyahe nang malayo.

Hindi na nila kailangang pumila o kaya ay mabilad sa init para lamang tanggapin ang kanilang cash gifts o ayuda.

Isa itong malaking hakbang para gawing mas makabago ang pagseserbisyo ng gobyerno sa publiko upang lalong maging abot-kamay ang tulong para sa mga matatandang Filipino.

Deserve naman ng ating mga lolo at lola ang sistemang ito dahil malaki ang kanilang naging kontribusyon sa bansa at upang maipakita natin sa kanila na nirerespeto ng pamahalaan ang kanilang oras at dignidad.

Hindi na nila kailangang gumugol ng buong maghapon para bumiyahe at pumila para lamang kunin o i-claim ang ayuda para sa kanila.

Ang EPA of 2024 ay siyng nag-amiyenda sa Centenarians Act of 2016 kung saan kasama po tayo sa mga naging may-akda.

Migz Villfuerte ang naging lead author ng House Bill (HB) No. 302, na isa sa mga panukalang pinagsanib para mabuo ang final version ng HB 7535, na siyang House version ng Congress-ratified bill at siyang naging RA 11982.

Sa ilalim po ng batas na ito, ang mga senior citizen na umaabot sa edad na 80, 85, 90, at 95 ay tatanggap ng P10,000 cash gift habang ang mga umaabot sa edad na 100 ay makakatanggap naman ng tinatawag na centenarian cash gift na ₱100,000.

Ang digital payout system ay maisasakatuparan naman sa pamamagitan ng Supplemental Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan ng NCSC at Land Bank of the Philippines (LandBank) para maipatupad ang nationwide electronic distribution ng ECA cash gifts.

Sa bagong proseso ng payment na ito ng NCSC, lahat ng kuwalipikadong benepisyaryo ay puwedeng mag-download ng updated claim forms na makukuha naman sa website ng ahensya at doon nila pipiliin kung ano ang mas kumportable sa kanila na payment channel.

Dapat lamang magsumite ng mga kinakailangang requirement.

10,000100,000119822024
Nailathala: Nobyembre 24, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Sumulat ng maikling lathalain tungkol sa mga tao sa likod ng balitang ito. Simulan sa isang eksena, tanong, o sandali ng isang tao. Gumamit ng datos mula sa fact sheet, magdagdag ng paglalarawang dumadama sa pandama, at tapusin ng linyang mag-iiwan ng pag-iisip. Kaakit-akit ang dapat na pamagat. Paksa: “Online ayuda para kina lolo at lola”.

Salita: 200–35060 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito
Salita: 0 / 350Pinakamababa: 200

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.