The Campus PressElementary Journalism Training

Miyerkules, Nobyembre 18, 2026 · Filipino · Gawain 01

Pagsulat ng Balita

45 minutoSalita: 150–250Nakaraang edisyon

Fact sheet

Remate Online

Sotto nabahala sa LGBT content sa mga libro ng Grade 1

Ito ang inilahad sa deliberasyon ng Senado sa proposed P915.49 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) at attached agencies nito para sa fiscal year 2027.

Sa sesyon, ipinakita ni Sotto ang Grade 1 textbook na tila nagpo-promote ng LGBT agenda.

“Some of us are concerned because masyado maaga ito para sa mga kabataan, sa elementary.

This debate has been going on for quite a while.

We have people, I understand, advocating for both sides; you know, it’s understandable.

We have many friends on that particular side,” aniya.

“But DepEd has to draw a line.

Hindi ba masyadong mababaw ang pang-unawa ng mga elementarya para ituro kaagad ito nang ganito,” dagdag pa.

Ani Sotto, wala siyang galit sa ideolohiya ng LGBT at nagtatanong lamang siya kung dapat ba talagang ituro ang mga ito sa mga paaralan.

Maaari rin umanong tutukan ng ahensya ang pagkakaroon ng mga libro na tumututok sa anti-bullying, financial literacy, mental wellness, at pagpapabuti ng reading capabilities ng mga mag-aaral.

“You know, siguro dapat doon ang concentrate talaga ng DepEd –to build student resilience, emotional awareness, and mindful exercises,” sinabi ni Sotto.

“Palagay ko ‘yun ang mas magandang pag-aksyahan natin ng mga libro kesa sa ganito na controversial ano because merong mga Catholic groups, Christian groups, even Muslim groups that are not in favor of having this in the elementary,” pagpapatuloy niya.

“I’m sure the Secretary, upon your interpellation today, will check again the proper grade levels for these topics, Mr. President,” sinabi ni Aquino.

Si Education Secretary Sonny Angara ay nasa session hall sa deliberasyon ng proposed 2027 budget ng DepEd.

Nabahala si Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa mga content na may kinalaman sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) people na binabanggit sa mga libro para sa Grade 1 students.

P915.492027
Nailathala: Nobyembre 25, 2026Basahin ang buong ulat ↗

Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.

Ang iyong gawain

Gamit ang fact sheet, sumulat ng tuwirang balita sa tatlong maiikling talata. Simulan sa summary lead na sumasagot sa ano, sino, kailan at saan. Isunod ang mahahalagang detalye, pagkatapos ang pinagmulan ng balita. Magbigay ng maikli at malinaw na ulo ng balita. Huwag kopyahin ang pangungusap ng pinagmulan — gamitin ang sariling salita. Paksa: “Sotto nabahala sa LGBT content sa mga libro ng Grade 1”.

Salita: 150–25045 minutoKailangan ng ulo

Iyong draft

Awtomatikong nase-save sa device na ito
Salita: 0 / 250Pinakamababa: 150

Susuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.