Martes, Nobyembre 24, 2026 · Filipino · Gawain 01
Pagsulat ng Balita
Fact sheet
AbanteCianne, Mikee nag-sorry sa PWD controversy
Humingi ng paumanhin sina Mikee Quintos at Cianne Dominguez kaugnay ng PWD controversy sa 'PBB Collab 3.0' matapos mag-raise ng concern ang NCDA.
Pormal nang humingi ng paumanhin sina Mikee Quintos at Cianne Dominguez matapos silang makatanggap ng batikos dahil sa umano’y panggagaya at pangungutya sa mga taong may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs).
Sa Monday episode ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0”, kinausap ni Big Brother si Mikee tungkol sa naging paglabag niya sa standard of decorum.
Binalikan din ang kanilang naging usapan sa garden area kung saan ginaya nila ni Cianne ang pag-arte ni Robbie Jaworski sa kanilang vertical series na “Hiling”.
Sinabi ni Kuya ang naging pagkakamali ni Mikee na tila pag-mock sa mga PWD na umani ng matinding batikos mula sa mga netizen at naging dahilan upang mag-raise ng concern ang National Council on Disability Affairs (NCDA) tungkol sa disability sensitivity.
Sa kanyang pagharap sa isyu, inamin ng aktres na hindi niya intensyong makasakit o magbigay ng negatibong interpretasyon sa kanilang ginawa.
Gayunpaman, ina-acknowledge niya na naging insensitive ang kanyang biro at walang excuse para rito.
“Sa lahat po ng na-offend ko sa pagbibiro ko for being insensitive, I sincerely apologize.
I have no intention of hurting anyone and I am fully aware that my jokes can cross lines,” pahayag ni Mikee.
Dagdag pa ng aktres, natutunan niya ang kanyang pagkakamali at nangakong magiging mas mindful at sensitive sa kanyang mga joke.
“Wala talagang excuse for being insensitive about things like that.
Nakalimot ako, pasensya na.
I promise to be more sensitive with my jokes,” sey niya.
Muling humingi ng tawad si Mikee sa lahat mga nasaktan sa kanyang ginawa pati na rin sa kanyang mga magulang.
“I’m sorry again sa lahat ng nanonood, nahihiya ako sa inyo.
Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.
Ang iyong gawain
Gamit ang fact sheet, sumulat ng tuwirang balita sa tatlong maiikling talata. Simulan sa summary lead na sumasagot sa ano, sino, kailan at saan. Isunod ang mahahalagang detalye, pagkatapos ang pinagmulan ng balita. Magbigay ng maikli at malinaw na ulo ng balita. Huwag kopyahin ang pangungusap ng pinagmulan — gamitin ang sariling salita. Paksa: “Cianne, Mikee nag-sorry sa PWD controversy”.
Iyong draft
Awtomatikong nase-save sa device na itoSusuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.