Martes, Nobyembre 24, 2026 · Filipino · Gawain 03
Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
Fact sheet
Remate OnlineLacson binuking flood control projects na napondohan na, may alokasyon pa rin sa 2027
Nakita ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang umano’y doble, triple at maging quadruple na alokasyon para sa ilang flood control projects sa panukalang 2027 national budget, kahit nabigyan na ang mga ito ng pondo sa mga nakaraang taon.
Ayon kay Lacson, may mga proyektong napondohan na noong 2024, 2025 at 2026 ngunit mayroon pa ring nakalaang pondo sa 2027 budget.
Sinabi niyang isusulong niya ang pagtanggal sa mga dobleng alokasyon sa panahon ng amendments sa bersiyon ng Senado at, kung kinakailangan, sa bicameral conference committee.
Meron pang triple, quadruple,” ani Lacson sa isang panayam.
Dagdag pa niya, hindi makatuwirang maglaan muli ng pondo para sa iisang proyekto kung mayroon na itong naunang alokasyon.
Hiwalay dito, iniulat din ni Lacson na nakakita ang kanyang team ng hindi bababa sa 30 umano’y ghost multi-purpose buildings (MPBs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
May mga gusaling nakatanggap na umano ng pondo noong 2024, 2025 at 2026 ngunit wala pa ring naitayong estruktura sa mga itinakdang lugar.
Samantala, sinabi ni Senate Finance Committee Chair JV Ejercito na aalisin ang mga proyektong mapatutunayang may iregularidad o kulang sa mga kinakailangang dokumento.
Nauna nang inirekomenda ng kanyang tanggapan ang pagtanggal sa tinatayang ₱97 bilyong halaga ng mga kuwestiyonableng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nagsimula na ang plenary deliberations ng Senado sa panukalang 2027 national budget nitong Nobyembre 23.
Inaasahang magpapatuloy ang pagsusuri sa mga alokasyon bago pagtibayin ang bersiyon ng Senado at iharap sa bicameral conference committee.
Ayon kay Lacson, may mga proyektong napondohan na noong 2024, 2025 at 2026 ngunit […] The post Lacson binuking flood control projects na napondohan na, may alokasyon pa rin sa 2027 first appeared on Remate Online .
Ang mga katotohanan ay hinango sa ulat na ito. Maaaring paikliin, hindi binago. Buksan ang link upang suriin.
Ang iyong gawain
Ipaliwanag ang balitang ito sa agham at teknolohiya para sa kaklase mong nasa Grade 5. Sumulat ng malinaw na lead, pagkatapos ipaliwanag ang agham sa simpleng salita. Gumamit ng hindi bababa sa dalawang datos mula sa fact sheet, at ipaliwanag ang mahirap na salita sa unang paggamit. Maging totoo at positibo. Paksa: “Lacson binuking flood control projects na napondohan na, may alokasyon pa rin sa 2027”.
Iyong draft
Awtomatikong nase-save sa device na itoSusuriin ng app ang iyong gawa gamit ang NSPC na batayan. Awtomatikong tatanggalin ang anumang na-upload na file pagkatapos ng grading.